Nanindigan kahapon ang ilang transport group sa pagkontra sa panawagang ibalik sa P8 ang minimum na pasahe sa pampasaherong jeep sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon area. Ito ay sa kabila ng serye ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo.
Iginiit ni Federation of Jeepney Operators and Drivers Associations of the Philippines (Fejodap) President Zeny Maranan, hindi umano ramdam ng kanilang hanay ang sunud-sunod na rollback sa presyo ng petroleum products.
Malabo rin aniyang maaprubahan ang nasabing panukala.
Gayunman, tiniyak ng mga transport leaders na babawiin lang nila ang nasabing P2 increase kapag naglalaro na sa P37-P39 ang presyo ng mga produktong petrolyo.
-Jun Fabon