Magpapatupad na rin ng tapyas-presyo sa produktong petrolyo ang iba pang kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.
Maaasahan ang P2.20-P2.30 bawas-presyo sa kada litro ng diesel at P1.10 sa kada litro ng mga produktong gasolina. Habang nagbawas na rin ng P2.10 sa kerosene, inihayag kahapon ng mga kumpanya ng langis.
Nitong weekend, naghayag na ng rollback ang Phoenix Petroleum, Shell, Seaoil at PTT Philippines, na ipinatupad nitong Sabado (Nobyembre 24) hanggang bukas (Nobyembre 27).
Unang nagpatupad ng rollback ang Phoenix Petroleum nitong Sabado, na sinundan ng Seaoil kahapon.
Ito na ang ikapitong pagpapatupad ng price rollback ng mga oil companies simula noong nakaraang buwan, dahil na rin ng pagbaba ng presyo ng langis sa world market.
-Myrna M. Velasco