Nakatitiyak sina Senator Gregorio Honasan at Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Boy Locsin na makapapasa sa Commission on Appointments (CA) ang pagkakatalaga sa kanila bilang mga pinakabagong miyembro ng Gabinete.

Pinalitan ni Locsin si Alan Peter Cayetano, na tatakbong kongresista ng Taguig City, habang si Honasan ay itinalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong kalihim ng Department of Information and Communication Technology (DICT).

“DFA Secretary Teddy Boy Locsin’s appointment is up for the Commission on Appointment’s confirmation next week. As chair of the Foreign Affairs Committee, I think it will be easier than singing in the shower,” ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Sa kaso naman ni Honasan, naging tradisyon na sa CA na kapag mga kasamahan nilang senador ang isasalang sa CA ay hindi ito nahihirapang maaprubahan.

Kakampi o kritiko: Mga senador dapat gawin ang tungkulin sa impeachment trial ni VP Sara — Hontiveros

-Leonel M. Abasola