Magpapakalat pa ng karagdagang pulis at sundalo sa Samar, Negros Oriental, Negros Occidental, at Bicol region upang lipulin ang nasa likod ng kaguluhan sa nasabing mga lugar.

Ito ang nakasaad sa Memorandum Order No. 32, kung saan ipinag-uutos ni Pangulong Duterte ang masusing intelligence operations laban sa mga grupong naghahasik ng karahasan.

Iniutos din ng Presidente ang pagsasagawa ng agarang imbestigasyon at pag-uusig sa mga salarin.

Ang nasabing direktiba na sumusuporta sa mga panuntunan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) laban sa karahasan sa tinukoy na mga lugar, ay pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea, sa utos ni Pangulong Duterte, nitong Nobyembre 22.

Internasyonal

ALAMIN: Saan puwedeng humingi ng tulong ang OFWs sa Iran, Israel?

“There is a need to reinforce the directive of the President to prevent further loss of innocent lives and destruction of property and bring the country back to a state of complete normalcy as quick as possible,” saad sa direktiba ng Pangulo.

“The Department of National Defense and Department of Interior and Local Government shall coordinate he additional deployment of additional forces of the AFP and PNP to suppress violence and acts of terror in the provinces of Samar, Negros Oriental, Negros Occidental and Bicol region and prevent such violence spreading and escalating elsewhere in the country,” saad pa sa order.

-Genalyn D. Kabiling