PAGKATAPOS ng hindi kagandahang resulta sa takilya ng pelikulang Never Not Love You nina James Reid at Nadine Lustre last February 2018, mukhang pinag-iisipan muna ng managers ng reel-and-real love team kung bibigyan sila ng follow-up movie.

But for the meantime, hiwalay muna sa kani-kanilang projects ang JaDine. Bida si Nadine sa pelikulang Indak, kasama si Sam Concepcion, habang si James ay sa Pedro Penduko naman.

Sa panayam ng Push kay Nadine, naitanong sa aktres kung bakit hindi si James ang kasama niya sa Indak?

“I don’t know,” clueless na bungad ni Jadine.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“But for now, James has Pedro Penduko. I mean nasa Pedro Penduko din naman ako, according to Direk [Paul Basinillo], pero hindi pa ‘ata nagkakausap about doon.”

May TV projects na ba para kay Nadine?“With TV I’m not yet sure, pero soon po ‘yan. Marami pa din po kasi naka-line-up and we really want to focus here for now at least ‘yung effort namin hindi divided kasi mahirap din naman po ‘yung madami,” paliwanag niya.At kahit na hindi madalas magsasama sa isang proyekto, para sa aktres ay wala pa rin daw nagbabago sa samahan nila ni James.

“I don’t think it’s different naman po kapag magkahiwalay kami o magkasama, the same lang naman po. Siguro ‘pag magkasama lang kami I guess parang nag-e-enjoy ako na katrabaho pa din siya, eh. Eventhough ang tagal na namin na nagkakasama, parang ‘pag waiting, hindi ako nabo-bore kasi andyan po siya, nakakausap ko and all that,” sabi ni Nadine.

-ADOR V. SALUTA