ISANG tagahanga ni Nora Aunor named Lito, na certified at true-blooded Noranian, ang nagbunyag ng pamamahagi raw ng pera at regalo ng Superstar sa mga taong dumudumog dito sa taping ng Onanay.

Nora-Aunor-1 copy

Sa text ni Lito kay Yours Truly, gusto niyang ipagmalaki ang kabutihan ng puso ni Nora sa mga katrabaho nito sa Onanay, at maging sa mga karaniwang tao “in all walks of life” na lumalapit sa aktres para manghingi ng tulong.

“Nais ko pong papurihan at parangalan ang ating nag-iisang Superstar Ms. Nora Aunor sa kanyang pagiging bukas-palad at kabayanihan sa lahat ng klase tao, in all walks of life,” mensahe ni Lito kay Yours Truly.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Last month po sa taping ni Ate Guy sa Onanay na ginanap sa palengke ng Barangay Pagasa, Quezon City ay talagang dinumog siya nang sobra ng mga tao , libo libong tao na mga nanay at karay-karay ang kanilang mga batang anak.

“Nandoon din po ang maraming matatandang babae at lalaki at lahat po sila ay humihingi po ng financial help kay Ate Guy.

“At lahat ng pumunta kay Ate Guy ay biniyayaaan niya at binigyan ng cash money. Hindi lang po ang taong bayan ang binigyan niya, kundi pati ang production staff at crew ng Onanay, ng tumataginting na pera.

“Nu’ng nakaraang Miyerkules ay naulit muli ang pagbibigay ni Ate Guy ng pera sa libo-libong mamamayan ng Tungko, Bulacan, sa taping nila ng Onanay.

“At last Friday, sa taping uli ng Onanay nila, na ginanap sa Subic, Zambales, ay muli na namang nagbigay ng blessings si Ate Guy sa production staff at crew at ilang tagahanga niya roon. Binigyan niya rin ng imported na alak ang ilang kalalakihan.

“Hindi na niya kailangang pumasok pa sa pulitika para tumulong sa kanyang kapwa tao. And we, as Noranians are very very proud of you, Ate Guy. Mabuhay ka!

K, noted. And more power, Ate Guy!

Mapapanood ang Onanay, mula Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad.

-MERCY LEJARDE