NALUNGKOT kami para sa kilalang TV host/actress na hindi na ni-renew ng multi-national company bilang product endorser o brand ambassadress dahil nagka-problema raw sa manager niya.

Ang tsika sa amin ng taga-ahensiya, wala naman daw problema sa TV host/actress dahil maayos itong kausap at sumusunod naman. Ang manager daw nito ang hindi nagustuhan ng bossing ng nasabing kumpanya.

“Demanding kasi ang manager, kung anu-ano ang hinihingi tapos hindi pa maganda ang trato sa staff porket mababa ang ranggo. Siyempre si staff, nagkuwento sa boss niya lalo na nu’ng pinaghintay siya ng ilang oras sa meeting place para ibigay ang mga products na hiningi ni manager.

“Bukod do’n parang hindi maganda ang ipinakita ng manager niya (TV host/actress) do’n sa isang junior executive na in-charge sa product, e, biglang na-promote si junior executive, hayun siya na ang over-all bossing kaya alam mo na,” pagtatapat sa amin ng taga-ad agency.

Tsika at Intriga

Kaso ni Rufa Mae Quinto, ibinasura na: 'I'm free as a kite!'

Well, hindi na bago sa amin ang mga kuwento tungkol sa manager ni TV host/actress kaya pala halos lahat ng ini-endorso niyang produkto ay hindi na nag-renew.

“But in fairness, magaling ‘yung manager, kita mo naman, naging milyonarya na si (TV host/ actress), e, paano na ngayon?” sabi sa amin.

At may pahabol pa, “and the big issue was, the manager doesn’t even know how to say thank you to the team na kumuha kay (TV host/actress). Ni wala man lang pa-thank you gift. E, milyones ang kinita mo.”

E, kaya pala sobrang yaman ni TV host/actress at ng manager niya kasi nga puro pakabig, hindi man lang marunong mag-share sa mga taong nakatulong sa kanya.

-Reggee Bonoan