July 25, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Carmina Villarroel, espesyal sa puso ni BB Gandanghari

Carmina Villarroel, espesyal sa puso ni BB Gandanghari
Photo Courtesy: BB Gandanghari, Carmina Villarroel (FB)

Nananatiling espesyal ang aktres na si Carmina Villarroel para kay BB Gandanghari.

Sa isang episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, nausisa si BB Gandanghari kung kumusta ang relasyon nila ni Carmina.

Tanong ni Boy, "Kayo ni Mina, are you okay? Are you in touch?"

"We're not in touch," sagot ni BB Gandanghari.

Pero lagi umanong may espesyal na lugar sa puso niya si Carmina.

Relasyon at Hiwalayan

Jelai sa bagong partner ni King Badger: 'Sana ingatan mo siya para hindi na makaperwisyo ng iba'

Aniya, "We have not really talk. But she's always has special place in my heart. 

“And then also, bago ako umalis papuntang Amerika to migrate already, magkapit-bahay kami niyan, e. We saw each other in the gym. And that was a time we were able to exchange hellos,” dugtong pa ni BB.

Matatandaang nagpakatotoo si BB sa tunay niyang gender sa isang episode ng Pinoy Big Brother noong 2006 kung saan isa siya sa mga housemate.

Ayon sa kaniya, bago raw ang nasabing pag-amin, wala raw ibang nakakaalam ng tungkol doon maliban sa estranged wife niyang si Carmina.

Sa ngayon, kasal na si Carmina kay Zoren Legaspi at may dalawa na silang anak—ang kambal na sina Mavy at Cassy. 

Kaugnay na Balita: BB Gandanghari sa pagiging transgender: 'It's never a choice'