Sinuspinde ng Department of Transportation (DOTr) ang dalawang private emission testing center (PETC) sa Luzon matapos matuklasang namemeke umano ang mga ito ng emission testing results.

Sa abiso ng DOTr, nabatid na kabilang sa sinuspinde ang Alison Emission Testing Center, na matatagpuan sa Camarin Road, Barangay North, Caloocan City; at ang GPM Emission Testing Center, na nasa Km. 18 sa Aguinaldo Highway, Bgy. Habay II, Bacoor, Cavite.

Sinabi ng DOTr na natuklasan nitong namemeke ng resulta ng emission test ang mga naturang PETC.

“The DOTr, through its Investigation Security and Law Enforcement Staff (ISLES), filed a preliminary suspension order issued on November 21, 2018 against the said PETC for falsification of emission test results,” saad sa Department Order 2016-017.

Internasyonal

ALAMIN: Saan puwedeng humingi ng tulong ang OFWs sa Iran, Israel?

Bukod sa mga naturang PETC, pinadalhan din ng kopya ng naturang suspension order ang PETC IT service provider ng mga ito.

Binalaan naman ng DOTr ang naturang PETC IT service provider na mahaharap sa kaparehong parusa kung babalewalain ang direktiba ng kagawaran, sa pamamagitan ng patuloy na pagpoproseso sa mga data na ita-transmit sa kanila ng mga sinuspindeng PETC.

Noong nakaraang buwan ay walong PETC ang unang sinuspinde ng DOTr dahil sa pamemeke ng emission test results.

-Mary Ann Santiago