MABUTI na lang at nag-guest si Sylvia Sanchez sa Magandang Buhay na umere nitong Lunes kaya nalaman namin ang saloobin niya tungkol kina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Sylvia

Ilang beses kasi naming tinatanong ang ina ni Arjo tungkol sa umano’y relasyon ng aktor kay Maine pero laging sagot sa amin, “wala akong alam. Hayaan mo na sila, huwag mo na silang isulat kasi wala naman din akong masasabi sa ‘yo.”

Halatang nagulat si Ibyang sa tanong ni Melai Cantiveros tungkol kina Arjo at Maine dahil napamura pa siya na tila hindi siya nasabihang itatanong ito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang kuwento ng mama ni Arjo, “Nakikita ko siyempre ‘yung mga litrato. Nababalitaan ko. Mas nauuna ‘yung social media sa ‘kin. Tinatanong ko si Arjo, nginingitian lang ako. Walang usapang ganu’n sa bahay.

“Basta ako, kung ano ‘yung gusto niya, kung ano ‘yung ayaw niyang sabihin sa amin, sekreto niya, respeto. So, kung anuman ‘yung ginagawa ng anak ko, buhay niya ‘yan, e.”

Oo nga, pagdating kasi sa lovelife ng mga anak ay hindi nakikialam ang aktres maliban na lang kung magkuwento ang mga anak niya o ‘pag ipinakilala na sa kanila.

Sa tanong ni Jolina Magdangal kung masaya si Arjo ay mabilis ang naging kasagutan ng ina ng aktor, “masaya ang anak ko, at ‘yun ang importante sa akin bilang ina.”

Samantala, as of now ay hindi namin mahagilap si Arjo dahil abala siya sa kaliwa’t kanang shootings ng digital film at pelikula mula sa Regal Films.

Kasama si Arjo sa digital film na Bagman nina Raymond Bagatsing at Allan Paule sa panulat at direksyon naman ni Shugo Praico, handog ng Dreamscape Digital na mapapanood sa iWant.

-Reggee Bonoan