DELETED na ang post ni Janno Gibbs sa kanyang Instagram (IG) account kung saan nagpahayag ang singer-actor ng tampo sa ABS-CBN dahil hindi siya nakasama sa Christmas Station ID ng network. Ang sabi, ang Viva Artists Agency na management company ni Janno ang nagpayo sa kanya na alisin ang kanyang post na in fairness, sinunod ni Janno.

Janno copy

Kaya lang, marami na ang nakabasa, nag- comment at nakapag-screen shot sa post ni Janno, pati ng kanyang mga sagot sa mga nagko-comment. Nasulat na rin sa mga dyaryo at na-post sa ibang website.

May nakisimpatiya kay Janno, pero may mga nanisi rin sa kanya at ipinaalala na sa VAA at hindi sa ABS-CBN ang kontrata niya. Binanggit din kay Janno na marami rin sa Kapami l y a stars ang wala sa Christmas Station ID.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pansin din ng followers ni Janno na sa ibang post niya sinasagot ang tanong ng netizens. Paulit-ulit na sinasabi ni Janno na “Ayaw na sa akin ng Kapuso” at hindi na siya binibigyan ng trabaho.

Ipinaalala sa kanya ng ilan niyang followers na lumipat siya sa TV5 at nang mag-expire ang kontrata doon, ay hindi na siya kinuha ng GMA-7. Ang huling labas ni Janno sa Kapuso Network ay sa Meant To Be.

Pero sana nga, mabigyan ng ABS-CBN si Janno ng show kahit VAA ang management niya. Puwede siyang isama sa sitcom nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid o kaya ipasok sa ASAP Natin ‘To na sabi ni Janno, sa mga lumipat from GMA-7 to ABS-CBN, siya na lang ang wala sa ASAP.

-Nitz Miralles