Magpapatupad ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng “No Permit, No Protest” policy sa pagdating sa bansa ni Chinese President Xi Jinping ngayong Martes.

Paliwanag ni NCRPO Regional Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, naglatag na sila ng contingency plan para maiwasan ang gulo dahil hindi nila inaalis na magkakaroon ng kilos-protesta o lightning rally sa pagdating sa bansa ng presidente ng China.

Aniya, puspusan ang pakikipag-ugnayan ng NCRPO sa Chinese Embassy sa Makati City upang tiyakin ang seguridad, habang naatasan ang Southern Police District (SPD) at Manila Police District (MPD) na tutukan ang seguridad sa pagbisita ni Xi sa Maynila ngayong araw.

Ipaiiral naman ng SPD at MPD ang maximum tolerance sakaling magkaroon ng anumang kilos-protesta.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Idinagdag pa ni Eleazar na aabot sa 5,000 pulis ang ipakakalat sa Metro Manila at magbibigay seguridad sa pagdating ni Xi.

-Bella Gamotea