MASAYA ang post ng preggy actress na si LJ Reyes sa kanyang Instagram account at ibinahagi niya sa followers niya na hindi basta-bastang Pasko ang sasalubungin niya ngayong taon.

LJ copy

“Ibang-iba ang magiging Pasko ko this year sa maraming dahilan: Dahil sa bagong blessing sa buhay namin ni @paolo_contis. Dahil hindi ko makakasama ang mama ko, ate ko at ang pamangkin ko na nasa New York. Iiyakan ko siguro to pagdating ng Pasko! Dahil pakiramdam ko, kahit nasa tiyan pa lang si Baby, ang totoo, kasama namin sya. At excited din akong makasama ang pamilya ko dito sa Pilipinas sa darating na Pasko.

“Maswerte ako dahil malaki ang pamilya ko, at naniniwala ako na ang #Puso ng Pasko ay ang pamilya natin. Kasama man natin sila o hindi, basta nasa puso natin sila, makakagawa tayo ng paraan para iparamdam ang Pasko! Blessed nga rin ako dahil iilan lang ba ang may birthday din ng Pasko!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Birthday kasi ni LJ sa December 25. Lagi silang nasa New York ng anak na si Aki at doon siya nagbi-birthday at nagpapalipas ng Christmas holidays. Last year ay kasama na nilang mag-ina si Paolo Contis na nagdiwang ng kaarawan ng aktres sa New York.

Sinagot ng sister niya ang naturang post at sabi nito, “We miss you! Balik kayo soon! And with the baby. Can’t wait to meet her!”

-NORA V. CALDERON