ANG labanan sa ginaganap na 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition-2) 9-Stag International Derby ay lalo pang titindi simula ngayong araw sa paglalatag ng una sa tatlong magkakahiwalay na 3-stag semis.
Magsisimula ang aksiyon ganap na 12:00 ng tanghali tampok ang mahigit na 100 sultada sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila.
Ang labanan ay pangungunahan ng ipinagmamalaking mananabong ng San Pablio City na si Pol Estrellado (P.E. Gamefarm 1 & 2) na umiskor ng apat na panalo sa apat na laban.
Mayroon din tigdalawang puntos ang mga entries na AAO Pitmaster-2 (Gerry Ramos), AA RCL Mustang (Jun Llarenas/Art Atayde), Gen. Buratchie Gf (Ojie Villangca) JLD Bros Nov. 24 5 Stag Sa Icoca (Jay & Jong Diaz) , Nov. 24 5 Stag Sa Icoca City Of Ilagan (Dr. Jay Diaz/Peter “Apol” Alsosa), Amco All Can/Robri), Amco/Allan Cantal/Roan Britania) , Bn Bonbon/Kaingin Feb. 21 5-Cock @ Smc (Wilfredo Aga Jr./Poch Gabriel), Oliver (Nestor Vendivil), Dubai Gold (Mito Mendoza), Sta. Ursula Binangonan (Gov. Ito Ynares), Har-Sy-Tan Ana Babae Sa Mall (Harold De Ramos), Eizel Jan/Lucas (Charles Evangelista/Jojo De Mesa), Sf-Ju Amco (Bebot Uy/James Uy & Amco Diego Ccap Thor M (EDR), Lucky Chard Tabuk Jd (Atty. Tubban/Jun Durano), RJM Hvt Barry White (Rj Mea/Hermin Teves), Vmm/Rle Boston 63a (RR), Ako Bisaya Party List 2 (Rex/SL), Gs Señor 2 )Barry Crisostomo/SL), Roosterville BS (EP/Boyet Singbengco), Roosterville Taligaman Warbirds (EP/Ali Intino), Sagupaan AEJ Gamefarm (Cong. Patrick Antonio/AEJ) at Tiger Shark/Philreca PDJ (Engr. Celso A. Salazar).
Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea & Gov. Eddiebong Plaza, kaagapay sina Eric dela Rosa & Ka Lando Luzong, ang world-class na pasabong na ito ay suportado ng gold sponsor Thunderbird Platinum – sa paluan ‘di mauunahan & Thunderbird Bexan XP. Isponsor din ang VNJ, Experto at Thor.
Magpapatuloy ang 3-stag semis para sa Group B & C bukas Nob. 20 at sa Martes, Nob. 21. Ang 4-stag finals para sa lahat ng makaka-iskor ng 3 or 3.5 puntos pagkatapos ng semis ay sa Nob. 23, samantalang ang mga may tig- 4, 4.5 o 5 puntos ay magtutuos para sa korona sa Nob. 25 grand finals.