NGAYONG Pasko, iba’t ibang dekorasyon ang matutunghayan sa kapaligiran at bilang kasiyahan sa mga mamimili at namamasyal sa loob ng mall ay ibinida ng walong Super Mall sa North Luzon ang kani-kanilang Christmas centerpiece na may kanya-kanyang titulo bilang atraksiyon na taunang selebrasyon.

Cabanatuan

Ayon k a y Karren Nobres, communication manager ng SM North Luzon, ang Christmas centerpiece na makikita ngayon sa mga malls ay naging tradisyon na ng kumpanya at taunang ginagawa para maghatid ng kasiyahan sa mall goers, lalong-lalo na sa mga bata, na laging inaabangan ang masayang Pasko.

Kakaiba ang ibinidang Quirky Forest Centerpiece ng SM City Baguio, na may 35-feet Christmas tree na napalilibutan ng makukulay na quirky ornaments at glittering lights, at napaliligiran ng cheerful troop of charming elves, crowning the heart of the mall.

Pelikula

Sine Sindak 2024, muling maninindak ngayong Oktubre!

Super World o f Magic ang presentasyon naman sa centerpiece sa Tuguegarao City sa Cagayan, na ang 25-feet Christmas tree ay nasasabitan ng mga Christmas balls at Momiji dolls inspired ng little drummer boy at mga higanteng gift boxes sa paligid.

Cauayan, Isabela

Magical Christmas World naman ang theme ng mall sa Cauayan City sa Isabela, na gaya sa Tuguegarao ay mayroon ding giant Christmas tree na drummer boy-inspired. Mas kakaiba naman ang idinisplay sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija: ang 35-feet giant Cupcake Christmas Tree, samantalang sa katabi nitong SM Megacenter ay tampok ang makukulay na Christmas village na patok na patok sa mall goers.

Sa Tarlac City, Christmas Toy Universe, na may interactive elements at mechanized features mula sa kanilang giant Christmas Tree, ang aakit sa mga bisita, lalong-lalo na sa mga bata.

Sa Pangasinan, glitzy fairies naman ang nakapalibot sa 25-feet giant Christmas Tree sa Rosales City, samantalang sa Urdaneta City ay napapalamutian ng ginger balls at sugar frosting snowflakes ang 12-feet Christmas Tree ng mall.

Ayon pa kay Nobres, ang taunang Bears of Joy campaign ay muling nag-aanyaya sa mga mallgoers na makibahagi sa pagkakawanggawa tuwing Pasko sa pagbili ng dalawang bear na nagkakahalaga ng P200, na ang isa ay magsisilbing donasyon sa mga batang kapus-palad.

Tarlac 2 copy

Ang naggagandahang Christmas centerpiece na ito ng SM malls ay nagsimulang i - d i splay nitong Nobyembre 10, at masisilayan hanggang sa Enero 6, 2019.

-Sinulat at larawang kuha ni RIZALDY COMANDA