ILOILO CITY – Itinanggi ng alkalde ng bayan ng Mambusao sa Capiz na binastos niya si Ella Cruz.

Ella & Mayor Labao

Paliwanag ni Mayor Leodegario “Jun” Labao Jr., walang malisya ang pag-akbay niya sa young actress makaraang magkakilala sila sa Roxas Airport sa Roxas City nitong weekend.

Ipinost ni Ella sa Instagram ang litrato ng tarmac ng airport mula sa bintana ng sinasakyang eroplano at nag-caption ng “Finally leaving this place!”.

Pelikula

'Mananapak na!' Claudine Barretto, gaganap bilang 'Inday Sara?'

Gumamit din siya ng hashtag na “Worst Experience Ever” at na-tag ang Mambusao, Capiz.

Kasunod nito, kumalat sa Facebook ang litrato ni Mayor Labao habang nakaakbay kay Ella, na naging mainit na usap-usapan sa Capiz at sa iba pang panig ng Panay Island.

Paliwanag ni Labao, sa umpisa ay hindi niya kilala si Ella, hanggang sa ipakilala ang actress-dancer sa kanya. Iginiit pa ng alkalde na si Ella pa nga ang gustong halikan siya sa pisngi, pero sinabi niya rito na siya ang dapat na humalik, at iyon nga ang ginawa niya.

Binigyang-diin ni Mayor Labao na walang malisya at kaswal ang ginawa niya at wala siyang intensiyong bastusin si Ella.

Nasa Capiz ang aktres noong nakaraang linggo, kasama ang young actor na si Gab Lagman, para mag-show sa ilang bayan sa lalawigan.

-TARA YAP