Nilinaw ni Commission on Elections (Comelec) Spokesman James Jimenez na walang mali sa pagtakbo ni dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano bilang kongresista sa District 1 ng Taguig City, at ang asawa nitong si Mayor Lani Cayetano, para naman sa District 2.

“Just by those facts alone, the facts that running in one district and his wife running in another district, there’s nothing wrong with that,” paliwanag ni Jimenez sa isang panayam sa radyo.

Ayon kay Jimenez, walang nilalabag na batas ang mga Cayetano sa kanilang desisyon na tumakbo sa magkahiwalay na distrito basta mapatunayan nilang residente sila o may tinitirahang bahay sa mga nasabing distrito kung saan nila napiling tumakbo.

Paliwanag naman ni Atty. George Garcia, abogado ng mag-asawa, walang basehan ang reklamong diskuwalipikasyon laban sa mga ito dahil malinaw sa batas na maaaring magkaroon ng maraming tirahan ang isang tao, at wala itong nilalabag na doktrina sa Supreme Court o election law.
Pelikula

Paolo, good mood pa ba kahit dismayado sa MTRCB rating ng bagong pelikula?