May 22, 2026

Home BALITA

‘Non-verbal gestures’ tulad ng baril-barilan at pugot-ulo gamit ang daliri, isang uri ng krimen!—SC

‘Non-verbal gestures’ tulad ng baril-barilan at pugot-ulo gamit ang daliri, isang uri ng krimen!—SC
Photo courtesy: File photo

Pinagtibay ng Supreme Court (SC) na maaaring ituring na krimen ang mga 'non-verbal gestures' na direktang may banta sa buhay ng isang tao, katulad ng pagmuwestra ng baril gamit ang daliri at pagpugot ng ulo.

Batay sa press release na inilabas ng SC, bagama't na-acquit ang isang Belgian national sa Pilipinas bunsod ng kinasangkutang insidente, nilinaw nilang maaring maging krimen pa rin ang non-verbal gestures.

Noong 2017, nasangkot sa gulo ang nasabing Belgian national na isang architect sa Pilipinas matapos silang magkagirian sa daan ng kaniyang dalawang kliyente.

Ayon sa reklamo, tila nagbanta umano ang Belgian national laban sa dalawa niyang dating kliyente matapos niyang itutok ang hugis baril niyang mga daliri sa ulo ng dalawang biktima. Bukod dito, iminuswestra rin ng dayuhan ang tila pagpugot daw ng ulo.

Bunsod nito, na-convict sa grave threat ang Belgian national sa bisa ng Municipal Circuit Trial Court at Regional Trial Court na pinagtibay naman ng Court of Appeals.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Bunsod nito, napilitan ang suspek na dalhin ang kaniyang kaso sa SC kung saan idinipensa niya na ang non-verbal gestures ay hindi maituturing na krimen sa ilalim ng Article 282 ng Revised Penal Code.

Sa kabila ng pag-acquitt ng Korte laban sa kaso ng suspek dahil umano sa kawalan ng pruweba na may "criminal intent" ang gestures na ginawa niya, nilinaw ng SC na ang non-verbal gesture ay maituturing na grave threats.

Ayon sa SC, nakasaad sa revised penal code na may dalawang elemento para mapatunayan ang grave threats.

Una, kinakailangang ito ay sinabi o binanggit ng suspek at pangalawa naman ay ito ay inambang gawin ng nasasakdal.

Binigyang-diin din ng SC na ayon sa Article 292 ng revised penal code, hindi nito pinag-iiba ang mga banta na isinagawa sa pamamagitan ng salita at kilos.