GOOD news sa mga hindi nakapanood sa Hintayan ng Langit nang ganapin ang QCinema filmfest last month, magkakaroon ito ng commercial nationwide screening simula November 21.

Eddie, Juan Miguel, Gina at Direk Dan

Pinagbibidahan nina Eddie Garcia at Gina Pareño, ang Hintayan ng Langit ay love story na nagpatuloy hanggang sa kabilang buhay.

Nababagot na si Lisang (Gina) sa kanyang paghihintay sa purgatoryo para makaakyat na sa langit, pero nang sa wakas ay babakantehin na niya ang inokupang silid, nakita niya na ang bagong dating na titira ay ang kamamatay na si Manolo (Eddie).

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Dati niyang kasintahan si Manolo na sa pagkakataong ibinigay ng tadhana ay muli niyang nakasama at lubusang makikilala. Napagtanto rin ni Lisang na muli niyang nararanasan kung ano ba talaga ang kahulugan ng buhay.

Sa pagbabalik-tanaw sa kanilang naging buhay sa mundo, nasuri nila ang kanilang mga naging desisyon, at hindi naiwasang itanong kung ano ang naging takbo ng buhay kung hindi sila nagkahiwalay ng landas.

Mula sa one-act play na isinulat ng spoken word artist na si Juan Miguel Severo ang Hintayan sa Langit na idinirihe ni Dan Villegas.Co-production ito ng Globe Studios at Project 8 Corner San Joaquin Projects na pag-aari nina Dan Villegas at Antoinette Jadaone.

Nagpanalo ito ng Best Actor kay Eddie Garcia at Audience Choice award.

Nag-trending sa social media ang mataas na production values at kakaibang konsepto at tema ng Hintayan sa Langit. Commitment ng Globe Studios ang pagpoprodyus ng heartfelt top-quality films.

“When I first read the ‘Hintayan sa Langit’ script for QCinema, I couldn’t put it down,” kuwento ni Quark Henares, top executive ng Globe Studios. “When I handed it to our producers, they felt the same way. This is a film Globe Studios had to do, and I’m so proud and happy we’re giving everyone a chance to see it nationwide. It’s different. It’s touching. It stays with you. Hope you can all catch it in theaters.”

Kasama nina Dan Villegas at Antoinette Jadaone sina Paul Soriano, Sigrid Bernardo, Erik Matti, Joyce Bernal at Lav Diaz sa pakikipagtulungan sa Globe Studios para gumawa ng mga de-kalidad na original movies.

-DINDO M. BALARES