MASUSUBUKAN ang kakayahan sa boksing ng walang talong South Korean-based na si Abdoulaye Assan ng Cameroon sa kanyang pagharap kay Pinoy journeyman Leonardo Doronio sa Nobyembre 17 sa Hadong Gymnasium, Hadong, South Korea.

May perpektong pitong panalo at dalawang tabla ang 35-anyos na si Assan na gumagamit ngayon ng pangalang Heuk San Lee at nakalistang No. 2 welterweight sa South Korea.

Ngunit, masusubok si Assan sa bateranong si Doronio na 30-anyos lamang at galing sa panalo via 1st round knockout sa kababayang si Christian Saga noong nakaraang Agosto 23 sa Elorde Sport Complex sa Paranaque City.

May kartadang 16-14-3 win-loss-draw na may 11 panalo sa knockouts, kinatatakutan si Doronio ng mga boksingero sa buong mundo dahil nakipagsabayan siya sa mga boksingerong tulad nina Mexican Miguel Roman at Nery Saguilan at may panalo kina dating WBO Asia Pacific featherweight champion Jose Ocampo at ex-OPBF super lightweight titlist Al Rivera.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

-Gilbert Espeña