NOVEMBER 12, 2017 nang ikasal sa New Zealand sina Anne Curtis at Erwan Heussaff, at sa loob ng isang taon ay larawan ng kaligayahan at pagmamahalan ang dalawa.

Anne Curtis copy

Bakas na bakas ito sa kilos at aura ni Anne sa araw-araw na hosting niya sa It’s Showtime.

“Wala na akong mahihiling pang iba. I feel so blessed at sobrang supportive ni Erwan sa aking showbiz career,” sabi ni Anne.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Sa wakas nga ay natuloy na ang matagal nang nabimbin na honeymoon ng mag-asawa, at nasa Africa pa rin sila ngayon, sa trip na regalo sa kanila ng sister ni Erwan na si Solenn Heussaff.

Marami ang umaasa na sooner or later ay magkakaroon na ng “bundle of joy” ang honeymooners, na ready na rin naman na bumuo ng sariling pamilya.

Sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas ay aatupagin ni Anne ang pagpo-promote ng horror thriller na Aurora, na entry ng Viva sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) next month, sa direksiyon ni Yam Laranas.

-REMY UMEREZ