Isasara ng pamunuan ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU) ng Roxas Boulevard northbound ngayong Biyernes.

Ito ay upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng kaarawan ni dating Pangulong Elpidio Quirino.

Sa traffic advisory ng MPD, isasara ang northbound lane ng Roxas Boulevard, malapit sa President Quirino Avenue hanggang San Andres Street, dakong 9:00 ng umaga.

Ikinatwiran ng MPD na layunin nitong maiwasan ang pagsisikip ng trapiko sa lugar, na tanging light vehicles o maliliit na sasakyan lang muna ang papayagang dumaan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pinayuhan naman ng MPD ang mga trailer truck at iba pang heavy vehicles na nais dumaan sa northbound lane ng Roxas Boulevard, patungong Pier Zone, na kumanan sa President Quirino Avenue patungo sa kanilang destinasyon.

-Mary Ann Santiago