NAPANATILI ng Highway Hills Integrated School ang malinis na marka nang gapiin ang Notre Dame of Greater Manila, 38-20, sa Group C ng 18-Under Developmental Division ng 31st Women’s Basketball League (WBL).

Nadomina ng Highway Hills ang tempo ng laro mula simula haggang sa final buzzer para makopo ang ikaapat na sunod na panalo, habang nanatiling bokya ang Notre Dame matapos ang tatlong laro sa torneo na inorganisa ng Best Center (Basketball Efficiency and Scientific Training Center) sa pakikipagtulungan ng Milo, Rain or Shine, Chris Sports at SKLZ.

Nakamit naman ng Miriam College ang ikalawang sunod na panalo nang pataubin ang St. Theresa’s College (0-2), 19-10,para makisosyo sa St. Scholastica Academy-Marikina’s sa Group A na may parehong 2-0 marka.

Sa 18-Under Competitive Division,nagwagi ang Casimiro Ynares Sr. Memorial National High School sa Our Lady of Mercy School (0-3), 31-3,para sa ikatlong panalo sa Group A

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!