NAKIPAGHATIAN ng puntos si International Master (IM) Chito Garma kontra si Genghis Katipunan Imperial sa ninth at final round para tanghaling overall champion sa katatapos na sportsman Thaddeus Antonio “Boy Bolok” Santos Jr. Invitational Rapid Chess Championship Miyerkoles sa Marikina City.

Ang dating pambato ng University of Manila (UM) na si Garma ay nakakolekta ng 7.5 puntos mula sa seven wins, one loss at draw para magkampeon sa ten player’s field, single-round tournament na nagsilbing punong abala si long-time chess supporter at sportsman Thaddeus Antonio “Boy Bolok” Santos Jr. na dating director ng Philippine Chess Federation.

Nitong Linggo,nagkampeon si Garma sa standard competition sa 9th Asian Seniors Chess Championship na ginanap sa Tagaytay International Convention Center sa Tagaytay City. Sa pagkapanalo naiuwi ni Garma ang top purse $500 pero ang pinaka importante ay nakopo niya ang una sa tatlong Grandmaster (GM) norm.

Sunod niyang target ang masikwat ang second GM norm sa nalalapit na 17th Asian Continental Chess Championships (Open and Women’s Championships) na gaganapin sa Disyembre 1018 sa Tiara Oriental Hotel Malugay corner Talisay Streets sa San Antonio Village, Makati City.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Si International Master Cris Ramayrat ang nag second overall na may 6 points kasunod si 3rd place International Master Angelo Young na may 5.5 points at 4th place National Master and United States chess master Almario Marlon Bernardino Jr. na may 5 points.