July 23, 2026

Home BALITA Probinsya

12-anyos na sumilong dahil sa lakas ng ulan, patay nang mabagsakan ng puno!

12-anyos na sumilong dahil sa lakas ng ulan, patay nang mabagsakan ng puno!
Photo courtesy: Unsplash

Isang 12-anyos na batang lalaki ang nasawi matapos madaganan ng nabuwal na punong kahoy sa Sitio Kawayan Lower B, Barangay Tamugan, Marilog District, Davao City, bandang 11:00 ng umaga nitong Sabado, Hunyo 13, 2026.

Ayon sa mga rumespondeng barangay tanod, pansamantalang sumilong ang biktima sa ilalim ng naturang puno kasama ang kaniyang 1 taong gulang na kapatid dahil sa malakas na ulan at hangin sa kanilang lugar.

Subalit, habang nakasilong ang magkapatid, biglang nabuwal patagilid sa kanilang puwesto ang nasabing puno at tinamaan ang bata. Dahil sa tindi ng pinsala, agad na nasawi ang biktima.

 Nakaligtas naman ang kaniyang nakababatang kapatid. 

Samantala, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Marilog Police Station upang mabatid ang kabuuan ng pangyayari.

Probinsya

Lalaking umiihi sa gilid, naipit sa pagitan ng 2 container van!

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nananatiling nakaaapekto sa iba’t ibang panig ng bansa ang easterlies. Habang nakasaad naman sa pinakabagong tala ng Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office na magpapatuloy ang mahihina hanggang sa pabugso-bugsong pag-ulan sa Davao City, Davao del Sur at ilan pang bahagi ng Davao del Norte.