“PARANG mahigit dalawang buwan nang wala sa (FPJ’s Ang) Probinsyano si Direk Toto (Natividad), eh. So baka finished contract na siya?”

Ito ang sinabi sa amin ng taga-Dos na hiningan namin ng komento kasunod ng paglipat ng direktor sa GMA-7 para idirek ang bagong primetime teleserye roon na Cain at Abel.

Binanggit namin sa kausap naming ABS-CBN executive na dumalo pa sa presscon ng Cain at Abel si Direk Toto, at nabanggit mismo ng direktor na pumirma siya ng released contract sa Dreamscape Entertainment, ang producer ng Ang Probinsyano, kaya puwede na talaga siyang tumawid sa Kapuso network.

“Ah, nagpa-release, hindi finished contract pala? Well, baka naman kasi naghanap ng mas mataas ng talent fee or something? Hindi namin alam, eh. Hindi naman nakarating sa akin ang kuwento,”sabi ng executive na kausap namin.

Relasyon at Hiwalayan

Priscilla, open maka-work si John pero 'di bet magpatuka

Pero base sa pagkakaalam ng kausap namin ay baka naghanap nga ng ibang show si Direk Toto. Baka raw gusto nito ng bagong ginagawa o nagsawa na sa Ang Probinsyano, na tatlong taon nang umeere sa telebisyon.

Pero may isa pa kaming napagtanungan na kapag tatawagan si Direk Toto for a shoot ay hindi raw ito available, o may ibang commitment, kaya siguro hindi na rin ito regular na nagdidirek sa top-rating action series ni Coco Martin.

Technically ay may tatlong direktor ang Ang Probinsyano: sina Enzo Williams, Malu Sevilla, at Coco.

Si Direk Malu raw ang in-charge sa Metro Manila scenes, tulad kina Edu Manzano, Susan Roces, Roderick Paulate, at Joel Torre. Kapag may action scenes sa Metro Manila ay kasama ni Direk Malu si Direk Enzo.

Samantalang, sa bundok scenes (Tanay, Rizal) naman direktor si Coco, na mahy assistant director.

Hindi naman daw isyu kung si Direk Toto ang magdidirek ng programang katapat ng Ang Probinsyano.

“Okay lang ‘yun, hindi naman exclusive si Direk Toto sa ABS; maski naman sino puwedeng gawin kung saan puwedeng kumita. This is showbiz, ikutan nang ikutan lang ‘yan, Reggee,” sabi pa sa amin ng taga-Dos.

Tinanong na rin namin ang executive kung anong masasabi niya na ika-16 show na ng GMA 7 ang Cain at Abel na ipinantapat kay Cardo Dalisay.

“E, di wow!” natawang sagot sa amin.

-Reggee Bonoan