ANG pinakahihintay na 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition-2) 9-Stag International Derby ay papagitna ngayon araw sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila sa paglalatag ng una sa tatlong magkakahiwalay na 2-stag elimination tampok ang 136 na de-kalidad na sultada.

Magsisimula ang aksiyon ganap na 10:00 ng umaga.

Ang inisyal na grupo ng mga kalahok na maghaharap ngayon ay bahagi ng kabuuang 356 na kumpirmadong bilang ng mga mananabong na magtutuos gamit ang kanilang mga bagong palahi na susubukin sa pinakamatindi at pinakasikat na liga ng sabong sa Pilipinas.

Huli sa dalawang World Pitmasters Cup Master Breeders Edition na pasabong sa taon ito tampok ang mga Bakbakan o Digmaan-banded na mga batang tinale, ang siyam na araw na tunggalian ay gaganapin mula Nobyembre 15 hanggang 25 na kapapalooban ng regular na 9-stag international derby na may entry fee na P88,000 at minimum bet na P55,000 at ang one-day 7-stag big event sa Nobyembre 18 na may entry fee na P220,000.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea & Gov. Eddiebong Plaza, kaagapay sina Eric dela Rosa at Ka Lando Luzong, ang world-class event na ito ay itinataguyod ng gold sponsor Thunderbird Platinum – sa paluan ‘di mauunahan & Thunderbird Bexan XP. Isponsor din ang VNJ, Eksperto at Thor.

Sa Nob. 15, 16 & 17 gaganapin ang tatlong magkakahiwalay na 2-stag eliminations; susundan ng one-day 7-stag big event sa Nob. 18. Ang tatlong 3-stag semis ay gagawin sa Nob. 19, 20 & 21. Ang 4-stag finals para sa lahat ng makaka-iskor ng 3 or 3.5 puntos pagkatapos ng semis ay maghaharap sa Nob. 23, samantalang ang mga may tig- 4, 4.5 o 5 puntos ay magtutuos para sa korona sa Nob. 25 grand finals.

Kumpirmadong magbibitaw ng kanilang pinakamahuhusay na tinale sina Edwin Tose, Boss Jepoy, Judge Paneda, Anthony Lim, Coun. Marvin Rillo, Ramon Mancenares, Mark Lim, Barry Crisostomo, Moa / Oldak, Escolin Bros/Eslabon Bros, Lito Orillaza, Bon Aga/Poch Gabriel/Pao, Atty. Arcal Astorga, Jojo Cruz, Louie Madlambayan, Tady Palma, Engr. Ado Aquino/Tony Lizares, Jojo De Mesa, Jun Bacolod, Tony Lasala, Boy Gamilla/Noel Jarin;

Staford, Larry Villacorte, Bong Pineda, Fiscal Villanueva, Peter Alsosa / Mayor Diaz, Celso Salazar, Harold De Ramos, Osang Dela Cruz/Nad Mendoza, Nestor Vendivil, Teng Ranola, Jonathan Diaz, Gov. Ito Ynares, Barry Baricar / Carlito De Guzman, Mayor Elan Nagaño, Jojo Guiao, Bryan Montalbo/Nolly Marquez/Jeff Bernube, Gerry Escalona, Jet Olaguer, CanadianPadjie Barreda, Algie Ilagan, Jon Jon Cano, Bebot Uy at Cong. Amado Bagatsing.

Nakalista din sina Nene Abello, Biboy Enriquez, Rey Briones, Pipo Soliman, Abet Ramas, Alberto Lu Bonting, Alex Ty, Allan Syiaco, Angelo Malig, Anthony Lim, Arman Santos, Raffy Zaide & Andrew Montelibano, Arnel Navarro / Cong. Vic Yap, Arnold Arenas, Arnold Dela Cruz / Atty. Dimahilig, Arnold Dela Cruz / Magno Lim, Arnold Tacos, Art Atayde, Atty. Art De Castro, Atty. Capuchino, Barry Crisostomo, Bebot Roxas, Bernard Sollestre, Biboy Enriquez, Bonbon Aga & Poch Gabriel, Bong Pineda, Bordado (Charles Evangelista) Boss Emong (Balete Eco Farm), Boy Gamilla, Mayor Boyet Ynares, Boyet Plaza, Brigido Villena, Bulldog , Celso Evangelista, , Christopher Sioson , Col. Katigbak, Cong. Patrick Antonio, Cong. Peter Unabia at Cris De Jesus.

Lahat ng magsusumite ng timbang ay maaring magtext o tumawag sa cellphone number 0927-8419979.