MAGITING na kinakaharap ni Ken Chan ang matinding pagsubok sa pagkakasakit ng kanyang ama. Dahil dito, siya ang bread winner ng kanyang pamilya, buti na lang at laging may project sa GMA-7 ang bida ng My Special Tatay.

Ken copy

Positibo naman ang aktor na sa tulong ng Poong Maykapal at ng mga nagmamalasakit ay malalagpasan ng kanyang pamilya ang pagsubok na ito at tuluyang gagaling ang kanyang ama.

Gaya ng pagbibida sa teleseryeng Destiny Rose kung saan gumanap siyang bading, challenging din ang role ni Ken sa My Special Tatay bilang isang may autism na naging ama. Magaganda ang feedback na tinatanggap ni Ken from the viewers.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dasal ni Ken na patuloy siyang pagkatiwalaan ng Kapuso network ng magagandang projects, at tuluyan nang gumaling ang kanyang pinakamamahal na ama.

-Remy Umerez