MULING gagawa ng pelikula sa Star Cinema si Jennylyn Mercado, at naisagawa na kamakailan ang initial meeting tungkol sa project. Batay sa nakita naming photos, kay Mico del Rosario ng Star Cinema at sa scriptwriters ng movie nakipag-meeting si Jennylyn, kasama ang manager niyang si Katrina Aguila.

Jennylyn

Wala pang inilabas na detalye kung sino ang makakasama ni Jennylyn sa second movie niya sa Star Cinema, pati kung sino ang director at iba pang co-stars. Kaya hintayin natin ang announcement.

May mga nagre-request na kung hindi si Jericho Rosales ay si Piolo Pascual ang ipareha kay Jennylyn sa pelikulang gagawin. Nakatambal na ni Jennylyn si Jericho sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Quantum Films na Walang Forever. Tiyak na matutuwa ang fans kung sakali, dahil nagre-request sila ng take two sa tambalan nina Jericho at Jennylyn.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Matutuwa rin ang fans na nagre-request na si Piolo ang itambal kay Jennylyn. Kung mapagbibigyan, first time nilang magtatambal. Ang request pa ng fans, ay rom-com ang gawing pelikula ng dalawa.

Sa unang pelikula ni Jennylyn sa Star Cinema, ang Just The Three of Us, ay si John Lloyd Cruz ang nakapareha niya. Sayang at hindi na active sa showbiz ang aktor ngayon. Maganda rin sana kung ibabalik ang tambalan nila.

Sa telebisyon naman, si Gabby Concepcion ang makakapareha ni Jennylyn sa bagong teleserye niya sa GMA-7. Wala pa ring detalye sa project na ito ng aktres, na sa 2019 ang airing.

-NITZ MIRALLES