MARAMI ang curious kung ano ang masasabi ni Senator Kiko Pangilinan sa photos ng misis na si Sharon Cuneta, kasama ang kapatid na si Chet Cuneta at si Davao City Mayor Sara Duterte.

Mayor Sara, Chet at Sharon copy

Tatakbong mayor ng Pasay City si Chet, at in-endorse siya ni Mayor Sara. Alam naman ng lahat na isa sa mga pangunahing kritiko ni President Rodrigo Duterte si Sen. Kiko, bilang pinakamataas na opisyal ng opposition party. Ano raw kaya ang dating kay Sen. Kiko ng nasabing photo? Ang bayaw mo ine-endorse ng anak ng kalaban mo sa pulitika.

Pare-pareho ang caption ni Sharon sa pictures nila ng kapatid at ni Mayor Sara: “Mayor Inday Sara Duterte endorses Chet Cuneta for Mayor of Pasay.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May isinulat din si Mayor Sara: “Si Chet Cuneta po ang tunay na mayor natin sa Pasay City.”

In fairness, matagal nang friends sina Sharon at Sara, dahil certified Sharonian ang mayor. Kaya naman ‘pag iniimbita ni Sara si Sharon sa Davao City to perform ay hindi siya matanggihan ng Megastar.

Nabanggit na rin dati ni Sharon na nagkakaintindihan sila ni Sen. Kiko sa usaping pulitika, at tanggap ng senador na malapit na kaibigan niya ang mga Duterte.

-Nitz Miralles