HATE ng fans ni Mikee Quintos ang pagiging kontrabida ni Kate Valdez kay Mikee sa Kapuso teleseryeng Onanay. Mapapaisip tuloy kung may namamagitan talagang rivalry sa pagitan nilang dalawa.

Kate at Mikee

“Wala, wala pong ganu’n sa amin ni Kate. Suportahan kaming lahat para sa ikagaganda ng mga eksena namin sa Onanay,” sabi sa amin Mikee nang kapanayamin.

“Mikee and I are good friends noon pa mang Encantadia days namin na siya si Lira at ako si Mira,” sabi naman ni Kate. “Happy nga kaming nagkasama kami uli sa isang show dito sa Onanay na sana, magtagal sa ere.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Alam kong maraming naiinis sa ‘kin dahil sa mga kamalditahang ginagawa ko sa story, but okay lang kasi it means I’m effective sa acting ko bilang inggiterang si Natalie.

“As Ms. Cherie Gil says, okay ang ginagawa ko and I’m doing my job well. Sa ngayon, I’m staying with my mom Onay (Jo Berry) and with Mikee as Maila at siyempre, hirap na hirap akong mag-adjust kasi nasanay ako sa marangyang buhay with my grandma Helena. Abangan n’yo kung saan ako makakatagal sa ganitong setup,” ang mahabang tsika sa amin ni Kate, na inihahawig kay Liza Soberano.

So, klaro ha, trabaho lang at walang personalan na namamagitan kina Mikee at Kate sa mga eksena nila sa Onanay.

Mukhang hindi na rin special participation lang ang role ni Superstar Nora Aunor sa serye kasi marami na siyang eksena.

Anyways, napapanood ang Onanay gabi-gabi sa GMA-7.

-MERCY LEJARDE