Ikinatuwa ng Department of Education (DepEd) ang pagkatig ng Korte Suprema sa “constitutionality” ng K to 12 basic education program.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, naniniwala silang ang naturang desisyon ng Korte Suprema ay magiging daan sa pagkakamit nito ng social development goals.

Nauna rito, ibinasura ng mataas na tribunal ang consolidated petitions na inihain ng ilang paaralan, mga guro, propesor, at mambabatas, na kumukuwestiyon sa legalidadng Republic Act 10533, o ang Enhanced Basic Education Act of 2013.

“The Supreme Court ruling empowers us to better deliver quality, accessible, relevant, and liberating basic education to the Filipino learners whom we are sworn to serve,” saad sa pahayag ni Briones.

FL Liza, mga anak nagpaabot ng pagbati kay PBBM sa Father’s Day

“We shall continue amplifying our efforts to produce 21st century graduates equipped with the core values and lifelong competencies they need to contribute to societal development and nation-building – the very goal of the K to 12 program,” anang kalihim.

Sa ilalim ng programa, pinalawig ang 10-year basic education cycle sa Pilipinas at ginawang 13 taon, nang dinagdagan ng kindergarten at dalawang taon sa senior high school.

Layunin nitong makapag-produce ng mga high school graduates na handa na sa kolehiyo o employment, dahil sa matatapos nila ang kanilang basic education sa edad na 18.

-Mary Ann Santiago