TAGAYTAY City – Tinalo ni International Master Chito Garma si National Master Cesar Caturla para makopo ang solong liderato matapos ang Round 6 ng 9th Asian Seniors Chess Championship (Standard event) nitong Huwebes sa Tagaytay International Convention Center.

Maganda ang ipinamalas na laro ng Tondo, Manila-native na si Garma para manaig sa kababayan at angkinin ang solong liderato sa 34-player, 10-nation competition, 9-round tournament na nagsilbing punong abala ang Tagaytay City government sa magiting na pamumuno nina Cavite 7th District Cong. Abraham “Bambol” Tolentino Jr. at Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino.

Tangan ni Garma ang 5.5 puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!