MAITALA kaya ni San Miguel Beer center Junemar Fajardo ang rekord na panglimang Most Valuable Player award?

May pagdududa sa kasalukuyan bunsod nang kabiguan niyang makalaro ng dalawang beses sa elimination round ng PBA Governor’s Cup.

Dahil dito, naagaw sa kanya ni NorthPort guard Stanley Pringle ang pangingibabaw ss statistical race para sa Season MVP.

Ang 2015 Rookie of the Year awardee ay may naitalang kabuuang 35.5 statistical points, matapos ang elims ng third conference kumpara kay Fajardo na may 33.2 SP’s.

EJ Obiena, sinupalpal mga umano'y malisyosong istorya sa pagitan nila ni Carlos Yulo

Kinailangan ng reigning 4-time MVP na ipahinga ang kanyang stress fracture na naging dahilan ng pagbaba ng SP’s mula sa pamumuno sa naunang dalawang conferences.

Sa kabila nito, maraming naniniwala na may malaking tsansa pa rin si Fajardo ma makagawa ng kasaysayan bilang unang PBA player na may limang MVP title.

Gayunman, magiging malaking bahagi pa rin ng panalo ni Fajardo kung sakali ay ang magiging resulta ng botohang gagawin ng mga players, ng media at ng PBA.

-Marivic Awitan