KASADO na ang alyansa ng Philippine Sports Commission (PSC) at Department of Education (DepEd) para sa mas matibay na programa sa sports.

PINATIBAY nina PSC Chairman William ‘Butch Ramirez (ikalawa mula sa kaliwa) at DepEd Asec. Revsee Escobedo ang bagong alyansa ng dalawang ahensiya para maisulong ang mas komprehensibong sports program sa pagpupulong sa Davao City. Nasa larawan din sina (mula kanan) PSC executive Simeon Rivera, Commissioners Charles Maxey at Celia Kiram. (PSC PHOTO)

Iginiit ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez na matagal nang pakner sa grassroots sports development ang DepEd, ngunit sa pagkakataong ito mas kongreto ang responsibilidad at papel ng bawat isa para sa iisang misyon – ang mapataas ang antas ng pagiging kompetitibo ng atletang Pinoy.

“Our collaboration with DepEd, LGUs and other sectors is in place,” pahayag ni Ramirez sa media conference matapos ang pakikipagpulong sa mga kinatawang ng Local Government Unit at ni DepEd Asec. Revsee Escobedo sa Davado City.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Nakiisa rin sa programa sina PSC Commissioner Charles Maxey at Celia Kiram.

Mahalaga umano ang papel na ginagampanan ng DepEd sa pagpapatupad ng mga programa ng PSC tulad ng Batang Pinoy, Philippine National Games at Indigenous Peoples Games.

“Batang Pinoy, Palarong Pambansa, Philippine National Games, these are all DepEd’s grassroots sports program. Without the DepEd, PSC cannot have those events without securing support or memo from Secretary (Leonida) Briones to use school facilities and other available centers. So DepEd is playing a very important role here,” sambit ni Ramirez.

-Annie Abad