Mga laro sa Lunes

(MOA Arena, Pasay City)

2:00 n.h. -- CSB-LSGH vs Mapua (jrs)

4:00 n.h. -- San Beda vs LPU (srs)

19-anyos na Pinay tennis player, umariba sa Miami Open; pinataob world's no. 2

DOBLE ang ‘black-eye’ na natamo ng Lyceum of the Philippines.

SABAY TAYO! Unahan sa bola ang mga players ng San Beda at Lyceum para makontrol ang bola sa kainitan ng kanilang laro sa PBA Commissioner’s Cup sa MOA Arena. (RIO DELUVIO)

SABAY TAYO! Unahan sa bola ang mga players ng San Beda at Lyceum para makontrol ang bola sa kainitan ng kanilang laro sa PBA Commissioner’s Cup sa MOA Arena. (RIO DELUVIO)

Matapos masuspinde ang top player ng Pirates na si CJ Perez, sinamantala ng San Beda Red Lions ang kahinaan ng karibal para maitarak ang 73-60 panalo sa Game 1 ng kanilang best-of-three title series nitong Martes sa MOA Arena sa Pasay City.

Kung mananatiling mababa ang morale ng Pirates, walang kawala sa Lions ang pagngata sa ikalawang sunod na kampeonato laban sa mahigpit na karibal sa nakalipas na dalawang season.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng San Beda para makolekta ang ika-22 titulo sa men’s basketball.

Nadomina ng Lions ang tempo ng laro, sapat para maitarak ang pinakamalaking bentahe sa 66-39. Nakakikig ng bahagya ang Pirates sa final period, subalit huli na ang lahat para sa Intramuros-based cagers.

Tangan ang 1-0 bentahe, magagawang tapusin ng Red Lions ang serye sa Game Two sa Lunes para sa ika-11 titulo sa huling 13 season sa pinakamatandang collegiate league sa bansa at ika- 22 sa kabuuan para tanghaling winningest team sa kasaysayan ng liga.

Sakaling makahirit ang Pirates, nakatakda ang Game 3 sa Nobyembre 16.

Sumabak ang Pirates sa krusyal na laban na wala ang leading scorer na si CJ Perez matapos suspindihin ng NCAA

Management Committee bunsod nang pagsama sa PBA Rookie drafting nang walang pormal na paalam sa pamunuan ng liga na batay sa regulasyon ng samahan.

Tangan ni Perez, MVP sa nakalipa sna season, ang averaged 18.7 puntos, 8.4 rebounds, apat na assists at 3.3 steals.

“They lost their No. 1 player. It’s a different LPU team with him (Perez),” pag-aamin ni San Beda coach Boyet Fernandez. “But we still won by only 13 points and CJ averaged 18 points a game.”

Sa juniors’ division, hataw ang S t . Benilde-La Salle Greenhills, sa pangunguna ni Joel Cagulangan, para pabagsakin ang Mapua, 74-69.

Kumubra si Cagulangan, tatanghaling MVP sa awards ceremony sa Lunes, sa natipang 16 puntos.

Iskor:

San Beda 73 – Mocon 14, Bolick 12, Doliguez 11, Tankoua 10, Cabanag 8, Canlas 6, Oftana 4, Presbitero 3, Nelle 3, Cuntapay 2, Soberano 0, Abuda 0, Eugene 0, Tongco 0, Carino 0

LPU 60 – Nzeusseu 16, Marcelino JC 13, Marcelino JV 13, Ayaay 9, Caduyac 5, Valdez 2, Yong 2, Ibanez 0, Pretta 0, Santos 0, Tansingco 0, Serrano 0, Lumbao 0

Quarterscores: 19-9; 43-22; 59-39; 73-60