TIYAK na masayang-masaya hindi lamang ang real sweethearts na sina Barbie Forteza at Jak Roberto, kundi pati ang kanilang mga loyal followers, ang JakBie, dahil sa wakas ay magtatambal na sa isang project sina Barbie at Jak, at ngayong November na ang simula ng taping ng naturang proyekto.

Cast ng 'Dalawang Mukha ni Guadalupe'TIYAK na masayang-masaya hindi lamang ang real sweethearts na sina Barbie Forteza at Jak Roberto, kundi pati ang kanilang mga loyal followers, ang JakBie, dahil sa wakas ay magtatambal na sa isang project sina Barbie at Jak, at ngayong November na ang simula ng taping ng naturang proyekto.

Unang nagkasama sina Barbie at Jak sa romantic-comedy na Meant To Be, pero pagkatapos nito ay iba na ang naging katambal nila. Ginawa ni Barbie ang Inday Will Always Love You katambal si Derrick Monasterio. Si Jak naman ay bumida sa afternoon prime drama na Contessa na katambal ni Glaiza de Castro. Nagkakasama lamang sila every Sunday sa GMA noontime show na Sunday PinaSaya.

Sa direksyon ni Albert Langitan, ang serye ay may titulong Dalawang Mukha ni GuadaLupe at ilan sa makakasama ng real life couple rito ay sina Carmina Villaroel, John Estrada, Mike Tan, at Mika dela Cruz, at Gil Cuerva.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Samantala, hindi pa sinasabi kung ano ang istorya ng Dalawang Mukha Ni GuadaLupe pero para sa primetime block ito ng GMA Network at mapapanood na early 2019.

-NORA V. CALDERON