Simula ngayong Nobyembre, mararamdaman na ng mga consumer ang epekto ng mga pagsisikap ng gobyerno upang mapababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, simula ngayong buwan ay unti-unti nang mararamdaman ang epekto ng pagtugon ng pamahalaan sa non-tariff barriers sa importasyon ng bigas at iba pang produktong pagkain.
“Maramdaman talaga ito siguro sa November, December, at saka definitely sa 2019,” sinabi ni Pernia nitong Linggo tungkol sa pagbaba ng presyo ng pangunahing bilihin.
Bukod pa rito, sinabi rin ni Pernia na dapat ding bumaba ang inflation rate sa target range ng gobyerno, na nasa 2%-4% sa susunod na taon.
Bunsod ng paparating na anihan at delivery ng mga inangkat na bigas at iba pang produktong pagkain, inaasahang magsisibaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin, ayon kay Pernia.
Nauna nang nagpatupad ng serye ng big-time oil price rollback sa bansa dahil sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado makaraang magpatapyas ng average na $63-$65 kada bariles, ayon kay Pernia.
Iniulat din ng Department of Finance (DoF) na bumaba ng 0.05% ang month-on-month inflation ng Oktubre, mula sa 0.8% noong Setyembre.
Isasapubliko ng gobyerno ang opisyal
-Beth Camia