INDIANAPOLIS — Huli man daw at magaling, naihahabol din.

Ito ang naging senaryo matapos na wasakin ng huling three point shot na ipinukol ni James Harden ang tie na 90-all sa huling 34.8 segundo ng laro upang ilista ang ikatlong unod na panalo ng Houston Rockets kontra Indiana Pacers 98-94 sa kanilang sagupaan sa pag-usad ng 2018 NBA Season.

Tabla sa 90-all ng laro nang ihagis ni Harden ang makapigil hiningang three point shot kasunod ng split free throws ni Chris Paul na nagbigay ng 94-90 deficit sa Houston, kulang na sa 20 segundo ang nalabi sa orasan.

Bagamt bahagyang dumikit, matapos ang three pointer ni Victor Oladipo para sa Pacers, 93-94, sinikap naman ng ouston na pangalagaan ang kalamangan at saka tuluyang iniwan ang kalaban.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Tumipa ang reigning MVP na si Harden ng kabuuang 28 points upang itala ang 4-5 win-loss slate ng Rockets.

Sa kabilang panig, umiskor din si Victor Oladipo 28 points na may kasamang dalawang 3-pointers sa huling minuto ng laro, ngunit sdyang matindi ang kapit ng kalaban sa panalo.

Sumandal din ang Rockets sa lakas ni Paul na naging katuwang ni harden para mailista ang kanilang panalo at makahabol par a kontensyon ng nasabing liga