June 07, 2026

Home BALITA

‘They are unworthy of our respect!' PH Marines, tinalakan 18-ex Marines

‘They are unworthy of our respect!' PH Marines, tinalakan 18-ex Marines
Photo courtesy: MB File photo

Naglabas ng pahayag ang Philippine Marine Corps kaugnay ng pagkakasangkot ng tatlong retiradong Marines na kabilang sa tinaguriang 18-ex Marines na tumetestigo sa flood control projects.

Sa kanilang pahayag nitong Linggo, Hunyo 7, 2026, muling binigyang-diin ng dating opisyal ang mga tradisyon at pagpapahalaga ng Marine Corps, kabilang ang kahalagahan ng dangal at esprit de corps sa hanay ng mga Marines.

“Reiterating our time-honored Marine ethos and our unquestioned and strong esprit de corps, an individual who was Discharged Without Honor could not claim the adage ‘Once a Marine, Always a Marine’ to lend credence to his actions,” ayon sa pahayag.

Tinukoy rin ng dating commandant ang partisipasyon ng tatlong retiradong Marines sa naturang press conference.

“It is unfortunate that in the recent presscon called by a private lawyer, 3 retired Marines involved themselves,” aniya.

Politics

Rep. Erice, binanatan si Sen. Bam matapos pasalamatan si Sen. Chiz

Ayon pa sa pahayag, batay sa impormasyong nakalap nila, walang indikasyon na gumamit ng puwersa, pananakot, intimidasyon o pangakong gantimpala upang hikayatin ang mga retiradong Marines na lumahok sa naturang aktibidad.

“Barring use of force, threats, intimidation, and/or promise of rewards to them (3 retired Marines), based on the information available to us, we understand that their involvement was entirely of their own choosing, and that they did this on their own personal volition,” nakasaad sa pahayag.

Idinagdag ng dating opisyal na hindi dapat iugnay ng sinumang grupo o indibidwal ang kanilang mga kilos sa kabuuan ng hanay ng mga Marines.

“As such, we should always look with disdain against opportunistic groups or individuals trying to link their actions as being true Marine – they are unworthy of our respect,” aniya.

Nilagdaan ang pahayag bilang mula sa “37th Commandant,” bagaman wala nang iba pang detalyeng ibinigay sa naturang social media post.

Lumabas ang pahayag sa gitna ng patuloy na usapin kaugnay ng testimonya ng ilang dating Marines sa mga kamakailang pagdinig at pampublikong pagtalakay sa mga kontrobersiyang may kaugnayan sa pulitika.