June 07, 2026

Home BALITA Metro

‘Ibahin n’yo ako!’ Gabriel Go, 'di pinalampas road violation ng VMX actress

‘Ibahin n’yo ako!’ Gabriel Go, 'di pinalampas road violation ng VMX actress
Photo Courtesy: Screenshots from Gabriel Go (FB)

Tila hindi tumalab kay Gabriel Go ang alindog ni VMX actress Mica Nicdao matapos nitong magkaroon ng violation sa kalsada.

Si Gabriel ay head ng Special Operations Group-Strike Force ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa isang Facebook post ni Gabriel noong Sabado, Hunyo 6, makikita ang video kung saan hinahatak ang kotse ni Mica dahil sa ginawang paglabag nito.

“Ibahin niyo ko! Kahit Vivamax pa hindi umubra! Hatak kung hatak as long as may violation the law applies to all,” saad ni Gabriel sa caption.

Gayunman, nilatagan pa rin naman si Mica ng paraan para maabswelto nang mas mabilis ang kaso nito.

Metro

Road closures, rerouting inilatag ng MPD para sa Araw ng Kalayaan

Ayon sa head ng MMDA-Special Operations Group-Strike Force, “The least that I can offer is puwede nang sumama 'yong driver n'yo kung gusto n'yo. Ngayon, para hindi na siya mahirapan pumuntang Tumana, Marikina. Then you can process the documents.”

Samantala, sa Facebook post naman ni Mica noon ding Sabado ay inispluk niya ang katangian ni Gabriel, dahilan para hindi na niya ito awayin pa.

Ayon sa kaniya, “Malambing naman si Gabriel Go kaya di ko na inaway”

“Malambing lang ako sa umpisa… “ sagot naman ni Gabriel.

Matatandaang si Mica ay gumanap sa pelikulang “Dayo” noong 2024 na idinirek ni Sidney Zaid Pascua