SIMULA ngayong Lunes, Nobyembre 5, ay mapapanood muli sa GMA Network ang nagpasikat sa karakter ni Kim Sam Soon na si Kim Soon-Ah sa Woman of Dignity.

Gaganap siya rito bilang Joanna, isang palaban at raketerang caretaker na maaatasang alagaan ang biyenan at haligi ng mayamang pamilya ni Erin (Kim Sun Hee).

Magiging malapit na magkaibigan sina Joanna at Erin, pero dahil sa ambisyon ni Joanna na yumaman ay tatalikuran niya ito at aakitin ang biyenan ng kaibigan hanggang sila ay makasal.

Samantala, dahil sa likas na maunawain, madalas na abusuhin ang kabaitan ni Erin. Mangangaliwa ang asawa niya, at magsisimulang tumamlay ang kanilang relasyon. Kasabay sa pagtataksil ng asawa niya, ay mawawalan din siya ng kaibigan sa katauhan ni Joanna.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Paano haharapin ni Erin ang lahat ng pagtatraydor sa kanya? Ito na ba ang senyales ng pagsuko niya sa buhay o mas pagtitibayin nito ang loob niya para lumaban at gumanti?

Sundan ang kanilang kuwento sa Woman of Dignity tuwing Lunes hanggang Biyernes, bago ang Eat Bulaga.