Tinapyasan ng panibagong P1 ang kada litro ng diesel, habang P1.10 naman ang nabawas sa gasolina ngayong linggo sa ikaapat na bugso ng oil price rollback sa bansa.

Hanggang kahapon, kabilang sa mga kumpanya ng langis na kumpirmadong magro-rollback ang Eastern Petroleum Corporation, Petro Gazzm, at Phoenix Petroleum Philippines, Inc.

Epektibo dakong 6:00 ng umaga kahapon ang nasabing bawas-presyo sa produktong petrolyo ng Phoenix Petroleum; habang bandang 6:00 ng umaga ngayong Lunes magpapatupad ng rollback ang PetroGazz at Eastern Petroleum.

Mas maliit naman ang babawasin ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation sa presyo ng mga produkto nito: P1 kada litro sa gasolina, P0.90 sa diesel, at P0.65 sa kerosene, epektibo dakong 6:00 ng umaga bukas, Nobyembre 6.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Ito na ang ikaapat na sunod na linggong nagpatupad ng malaking rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa bansa, makalipas ang ilang buwang oil price hike.

-MYRNA M. VELASCO