Isinalansan ni Jules Samonte ang 6 sa kanyang kabuuang 8 puntos na output sa ginawang fourth set rally ng Motolite-Ateneo para maigupo nila ang Tacloban, 25-19, 25-21, 21-25, 25-19, noong Sabado ng gabi sa Premier Volleyball League Open Conference sa Filoil Flying V Centre.

Idineliver ni Samonte ang mahahalagang puntos kabilang na ang apat na sunod na hits upang ibigay sa Lady Eagles ang 16-15 na kalamangan matapos maiwan sa iskor na 1p-14 sa fourth frame.

Sa pangunguna ni Samonte, naitala ng Motolite-Ateneo ang kanilang ikatlong sunod na panalo nanag-angat sa kanila sa 8-2, panalo-talong marka.

“As I keep saying, every game is a learning experience for us. Today was a good learning experience for us,” pahayag ni Ateneo coach Oliver Almadro.

Ilang volleyball stars pina-auction jersey; tulong sa player na may liver cancer

“We still really have to polish our execution, but we’re happy with our team’s effort and what we’ve been showing so far,” dagdag nito.

Sa ikalawang laro, walang senyales na kinalawang ang PetroGazz mula sa tatlong linggong pagkabakante matapos iposte ang straight sets na panalo kontra Iriga-Navy, 25-21, 25-19, 25-17.

Dahil sa panalo, umangat ang Angels sa barahang 5-3, habang bumagsak naman ang Lady Oragons sa kartadang 3-8.

Pinangunahan ni team captain Paneng Mercado ang panalo ng Angels sa ipinoste nitong 20 puntos mula sa 16 attacks, 3 aces, at isang block.

-Marivic Awitan