NAGTIPUN-TIPON ang nasa 500 provincial at municipal agriculturists at mga agricultural extension workers (AEWs) ng Western Visayas para sa tatlong araw na congress ng Department of Agriculture, na naglalayong mapatatag ang magandang ugnayan.

Nagtapos nitong Miyerkules, bitbit ng kongreso ang temang, “Agricultural Development Workers: Catalyst for Sustainable Agriculture and Fishery Community towards Competitiveness and Resiliency”.

Sa isang panayam sinabi ni Manuel Olanday, DA-6 regional technical director, na ginagampanan ng AEW ang tungkulin nitong masiguro na maipapatupad ang proyekto ng ahensiya, rason kung bakit nais nilang mapanatili ang magandang ugnayan sa mga ito.

“DA is only at the regional level, so we want to get closer with them. Through them, the delivery of programs and projects of the government is going smooth,” aniya.

Ayon kay Olanday, ang mga dumalong AEW ay mga pangunahing manggagawa sa labas, na nagsisilbi sa mga farmers associations, pagpapadala ng mga impormasyon tungkol sa iba’t ibang teknolohiya at paglalaan ng tulong sa agrikultura.

Nakatalaga rin ang mga ito para sa pangangalap ng datos sa produksiyon at nagbibigay ng mga balita sa mga pagbabago sa regional agriculture office.

Bawat AEW ay nakatalaga sa tatlo hanggang apat na barangay o 1:800 na magsasaka.

Samantala, ibinahagi ni Olanday na ito na ang ikatlong beses na nagsagawa ang DA-6 ng congress na palaging may magandang resultang nabubuo.

Sa ginanap na kongreso ngayong taon, ilan sa mga resulta ang pagkakalikha ng provincial federation of AEWs sa anim na probinsiya ng Western Visayas – Aklan, Antique, Negros Occidental, Capiz, Iloilo, at Guimaras.

“We could now enjoy good relationship with them through the direct exchange of communication, especially on their concerns and initiatives on how to further improve their services,” ani Olanday.

Napag-usapan na rin, aniya, sa kongreso ang kagustuhang maisulong ang Magna Carta para sa mga Agricultural Development Workers.

“We are fighting and initiating something in the Congress and Senate to push the Magna Carta for our agricultural workers, particularly for their protection and continuing professional development,” sambit ni Olanday.PNA