SA mga nakaraang birthday episode ng Tonight With Boy Abunda, si Vice Ganda ang naatasang mag-interview sa King of Talk. Mga kontrobersyal na tanong ang ibinato ni Vice kay Boy Abunda sa mga nakaraang episodes, na laging nagte-trending sa social media.

Vice at Calvin copy

Subalit sa nakaraang episode ng Tonight with Boy Abunda ay si Vice ang nalagay sa hot seat sa pagpapatuloy ng birthday special ng nasabing late-night talk show.

Unang naungkat ang tsismis sa kanila ng Philippine Basketball Association (PBA) star na si Calvin Abueva. Naglulutangan kasi ang isyu na si Calvin ang karelasyon ngayon ng It’s Showtime host.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Honestly, hindi ko po dyowa si Calvin Abueva. Kasi ‘di ba para sabihin mong dyowa mo, ‘yung ‘boyfriend kita, ha, dyowa mo ako,” sabi ni Vice.

“He makes me so happy. Mabait po siya sa akin. He’s one of my closest friends now. Isa siya sa mga nakakapagpasaya sa akin. He makes me smile, he makes me laugh, he makes me happy,” pag-amin pa ni Vice.

Isa raw sa na-appreciate ni Vice kay Calvin ay hindi nito ikinahihiya ang kanilang friendship.

“Sobra ko po siyang na-appreciate kasi sa dinami-dami ng naging kaibigan kong basketball players, iilan lang dun ‘yung naging proud na ‘malapit na malapit ako kay Vice’. ‘Yung iba nga hindi kayang i-post ‘yung picture namin na gumimik kami. Magkakaibigan lang kami, ha? At nao-offend ako ‘pag iniisip kong bakit hindi kaya nila masabing kaibigan nila ako?”

“Si Calvin he doesn’t care. Sinabi ko na sa kanya ‘yun dati,” sabi ni Vice, at ikinuwento na minsan pa nga ay si Calvin pa mismo ang nag-Instagram Live sa kanilang dalawa.

“Hindi siya nahihiya na makita ng mga tao na malapit kami sa isa’t isa dahil naniniwala siya na walang mali.”

Nang tanungin kung ang “friendship” nila ay puwede ring maging romantic relationship, sinabi ni Vice: “I seriously don’t know. I don’t want to think about it.”

Nang tanungin kung wini-wish ba niyang mauwi sa relasyon ang magandang pagtitinginan nila ni Calvin, “no” ang naging sagot ni Vice.

“I just want to feel what I feel right now. I just want to experience this now and I’m happy that I’m experiencing this now and I’m happy that he’s making me experience this now,” sabi pa ni Vice.

Pakiramdam daw ng It’s Showtime host ay matatapos din ang kung ano man na meron sila ni Calvin, at may pakiusap si Vice sa fans niya.

“Feeling ko matatapos din naman ‘to, hindi ko lang alam kung kelan. Ibigay n’yo na sa akin, kasi gusto kong maging masaya, at nakukuha ko ‘yun sa pakikipagkaibigan ko sa kanya. Parang mas humuhusay ako sa pagpapasaya ko sa inyo.”

May hypothetical question naman si Tito Boy kay Vice: “If you were to go to hell, sinong isasama mo?”

“I want to be sincere…si Calvin. Kasi If I will go to hell with him, I think hell is going to be fun.”

Nauna nang binanggit ni Calvin sa isang panayam na “sweet friends” lang sila ni Vice.

Well, saan ba naman napupunta ang relasyon ng “sweet friends”?

-ADOR V. SALUTA