“IT’S a girl!” Ito ang inihayag ng mag-asawang Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan mula sa Shibuya, Japan last November 1, habang nagbabakasyon s i l a roon kasama ang kani-kanilang parents. Doon ni la natanggap ang magandang balita mula sa doktor ng dancer-actress.

Art, Rochelle, at kanilang mga magulang copy

“Maraming salamat, Lord! Iba ka! Excited to meet you soon, Baby!”post ni Arthur sa kanyang Instagram, at inulan siya ng pagbati, unang-una na mula sa pinsan niyang si Dingdong Dantes.

“Thank you, God!!! Kung ano ang ipinag-pray namin ‘yun ang ibinigay mo! Grabe ang gift mo sa amin! Marami ring nagsabi dito at mga friends na baby girl daw, yes! Tama kayo. Thank you! #itsagirl,” post naman ni Rochelle sa kanyang IG.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Napuno rin ng pagbati ang nasabing post ni Rochelle mula sa best friend niyang si Andrea Torres, sa mga kapatid niya sa PPL Entertainment na sina Angelika dela Cruz, LJ Reyes, Janno Gibbs, Direk Gina Alajar, Max Collins, Carlo Gonzales; at sa mga kasamahan niya sa Onanay na sina Jo Berry at Mikee Quintos. Bumati rin ang mga kasama niya sa Sex Bomb Girls na sina Sunshine Garcia at Aira Bermudez.

B uma t i r i n s i Manilyn Reynes, na kasama ni Ar thur sa Pepito Manaloto, ganundin sina Nikki Valdez, Rodjun Cruz, at marami pang iba.

Congratulations, Art and Rochelle!

-NORA V. CALDERON