NANANATILI pa ring tahimik si Elmo Magalona sa isyu sa kanila ni Janella Salvador, at kahit ang kanyang mga kapatid ay walang nagsasalita o nagpo-post sa social media.

Elmo at ALbie

Kaya naman laking tuwa ng fans ng singer-actor nang mabasa ang tweet ni Pia Magalona nang sagutin ang pangungumusta ng isang kaibigan.

Tanong kay Pia ng may Twitter handle na @rtan228: “Tita how is Moe? I am terribly worried about him with these interviews, bashing, articles... I know he is the victim, not the instigator. Tell him I love him to see him destroyed like this?”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sagot ni Pia: “Thanks Tita Rose. Don’t worry...”

Maiksi man ang naging sagot ni Pia, natuwa na rin ang fans ni Elmo na malaman na okay ang lagay ng singer-actor, na para siguro matigil na ang isyu ay piniling manahimik.

Ang inaabangan ng fans nina Elmo at Janella ay ang mangyayari sa pagkikita nila sa Canada, dahil may series of shows sila roon sa November.

Kasama sa inaabangan nila kung sino ang makakasama ni Janella, at kung sino ang makakasama ni Elmo, at kung magbabatian at mag-uusap ba ang dalawa.

Dahil din sa nasabing tweet ni Pia, muling nanawagan sa kanya ang fans ni Elmo na huwag nang pagsalitain sa isyu ang binata, dahil kahit ano ang sabihin nito ay na kay Janella ang simpatiya ng tao, tama man o mali ang sinabi ng dalaga sa interview.

Ipinaalala kay Pia ang naging kaso nina Andi Eigenmann at Albie Casiño, nang hinusgahan ng mga tao si Albie kahit nagsabi lang ito ng totoo na hindi siya ang ama ng anak ni Andi. Later on, napatunayang nagsabi ng totoo si Albie dahil kalaunan ay lumabas din ang katotohanang si Jake Ejercito talaga ang ama ni Ellie.

-Nitz Miralles