JAKARTA (Reuters) – Nagpadala kahapon ang Indonesia ng divers para suyurin ang dagat sa paligid ng pinagbagsakan ng eroplano na kinalululanan ng 189 na katao, matapos na ma-detect ang signal searchers na pinaniniwalaang magtuturo sa lokasyon ng eroplano sa dagat sa silangan ng kabisera, ang Jakarta.

Nawalan ng koneksiyon ang ground staff sa flight JT610 ng Indonesian budget airline na Lion Air may 13 minuto matapos na lumipad ang Boeing 737 MAX 8 mula Jakarta patungo sa bayan ng Pangkal Pinang, nitong Lunes ng umaga.

Kahapon, sinabi ni Indonesia military chief na naniniwala siya na natagpuan na ang eroplano, at sinabi ng transport safety official na magpapadala ng divers para kumpirmahin ang “ping” signal na napick-up ng search and rescue team, nitong Martes ng gabi.

“We strongly believe that we have found a part of the fuselage of JT610,” ani Hadi Tjahjanto sa broadcaster na TV One, idinagdag na nakuha na ng search team ang location coordinates ngunit kailangang kumpirmahin kung ito nga ang eroplano.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Nagpada ang Indonesia ng “pinger locators” para hanapin ang blackboxes ng eroplano, na naglalaman ng cockpit voice recorder at flight data recorder.

“Yesterday afternoon, the team had heard a ‘ping’ sound in a location at 35 meters depth,” ani Haryo Satmiko, deputy chief ng national transport safety panel. “This morning, at 5 a.m., the team has gone back to dive at the location.”

Kahit na halos tiyak nang namatay ang lahat ng pasahero ng eroplano, desperado pa rin ang mga kamag-anak na makita ang kanilang mga mahal sa buhay. Sa ngayon ay tanging debris at mga parte ng katawan ng tao ang natagpuan.