MISS na miss na ni Kris Aquino ang telebisyon kaya naman nakiusap siya sa Singaporean doctor niya na payagan siyang mag-taping ng mahabang oras, bagay na ipinagbabawal sa kanya dahil nga sa health issues niya.

Sina Willie Revillame at Jessica Soho ang dahilan sa nasabing nakiusap ni Kris sa kanyang doktor. Matagal na niyang gustong makatrabaho ang dalawang personalidad sa GMA 7.

Sa video post ng Kris C. Aquino Productions (KCAP) sa YouTube channel ng kilalang social media influencer, mapapanood ang ilang updates tungkol sa kanyang buhay at kalusugan. Nasulat pa nga namin dito sa BALITA kahapon kung ilang gamot ang iniinom niya araw-araw, kasama na ang update sa mga negosyo niya sa digital platforms.

“I miss TV, but TV requires long hours, I cannot give that,” sabi ni Kris dahil bawal siyang ma-stress.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero dahil mahal niya sina Jessica at Willie ay gagawin niya.

“One is Jessica Soho and the other one is Willie Revillame. Kung magkaroon man, anytime in the future and it’s just once a week magmamakaawa ako sa doctor ko sa Singapore — ‘yong health certification, pirmahan niya,” say ni Tetay.

Sinabi ni Kris tungkol kay Jessica: “She was always nice to me.”Napabilib daw si Kris kay Jessica nang mag- cover sila ng Japanese royal wedding.

“Nagalingan talaga ako sa kanya from before,” sabi ni Kris.

Samantala, may ilang supporters si Kris na itinutukso pa rin siya kay Atty. Gideon Peña, ang ka-date niya sa premiere night ng movie niyang I Love You, Hater.

Sa ikalawang bahagi ng “Life Update” video ni Kris ay natanong siya kung ano na ang kinahinatnan ng relasyon nila ni Atty. Gideon.

“Parang huwag na silang umasa. Parang tanggap ko na I don’t want to be a burden on anybody.

“Kanina sinabi mo na, ‘Ang dami palang gamot, na alagain.’ Eh totoo naman, eh, ayaw kong maging pabigat.

“I live each day as it comes right now. And I’m super talagang grateful to any additional day,” pangangatwiran ng Queen of Online World at Social Media.

Pero kasama si Atty. Gideon sa ilang projects ng KCAP.

“He might join the team. He’s here, actually, because I said, ‘Before you decide, can you see if this is the world that you can be comfortable with?’

“We realized, minsan without my meaning to, nagba-violate na ako ng kontrata sa dami ng overlap. So ang sinabi ko, we actually need someone who can summarize everything.

“His mom super loves me, so sinabi ko sa kanya na, ‘Take the job.’ Pero sinabi ko, ‘No, tingnan mo muna kung gusto mo. Kasi, kung gusto mo, it would be great’.

“’At least, lawyer ka, alam mo na hindi ako nagba-violate’. ‘Di ba, alam mo naman, kung hindi mo type ang mundo natin, hindi mo matatagalan.”

As of this writing ay dedma muna si Kris sa buhay pag-ibig dahil mas gusto niyang i-secure ang future ng mga anak niyang sina Bimby at Joshua.

“Parang gusto ko na okay muna sila, bago ako,” sabi ni Kris. “This opportunity, it doesn’t come. Suwerte ako na it came twice in a lifetime. I was able to reinvent myself, why will I waste this? Tanggapin na natin, parang hindi ‘yun ang itinadhana at hindi sinuwerte dun (lovelife). Pero parang dito naman binless tayo ni God, so alagaan na natin ito.”

-Reggee Bonoan